Anak nag-video nang patago, napanood ni mommy | 8 YRS. OLD SEX SLAVE NI DADDY
- BULGAR

- Apr 18, 2019
- 1 min read

ARESTADO ang isang mister sa Parañaque City matapos ang umano’y paulit-ulit na panggagahasa sa 8-anyos na anak nito.
Sa bisa ng arrest warrant, dinampot ng mga tauhan ng Philippine National Police Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang 53-anyos na suspek sa Bgy. Tambo
Ayon kay Police Col. Gemma Vinluan ng PNP-WCPC, nabatid na higit isang taon na umanong hinahalay ng suspek ang biktima at hindi na rin nito mabilang kung ilang beses itong pinagsamantalahan.
Nalaman ito ng ina na si alyas Maribel nang mapanood sa tablet ng anak ang kahalayan.
Sinasabing patagong nag-video ang bata habang pinagsasamantalahan ng ama. Agad dumulog sa pulisya si ‘Maribel’ matapos komprontahin ang anak tungkol sa panggagahasa. Itinanggi ng suspek ang bintang at sinabing selos ang motibo sa kaso habang nahaharap ito sa kasong statutory rape. (BRT)





Comments