32 sugatan sa aksidente
ISABELA—Tatlumpu’t dalawa katao ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang tatlong sasakyan, kamakalawa sa national highway sa Sta. Maria sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay kinikilala pa ng mga awtoridad ang pangalan ng mga biktima na pawang ginagamot na sa iba’t ibang pagamutan sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, aksidenteng nagkabanggaan ang SUV na minamaneho ni Jerome Wangdali at kuliglig na minamaneho ni Biyo Danga at tiyempong parating ang bus na minamaneho naman ng hindi pa nakikilalang driver kaya nabangga nito ang dalawang sasakyan at dahil dito, nawalan ng kontrol ang bus kaya bumaligtad ito at nasugatan ang mga pasahero.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid kung sino ang may pananagutan sa naganap na aksidente.





Comments