Pulis binentahan | 4 HULI SA SHABU
- Maeng Santos
- Apr 17, 2019
- 1 min read

APAT na hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang arestado sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay Valenzuela Police Chief P/ Col. Nicolas David Poklay, alas-2:30 ng madaling-araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/ Maj. Jowilouie Bilaro sa kahabaan ng Gen T. Road, Bgy. Gen T. De Leon.
Nagawang makapagtransaksiyon ng pulis na nagpanggap na buyer sa isa sa mga suspek na nakilalang sina David Macantud, Bryan Tolibas, Joseph Montes at Eliezer David.
Matapos iabot ang sachet ng shabu sa poseur-buyer kapalit ng P300 marked money, agad lumapit ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang mga suspek.
Bukod sa nabiling shabu at buy-bust money, narekober din sa mga suspek ang walong sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.





Comments