Piktyur ng loving-loving in public, kumalat, Elmo… JANELLA, NAGSALITA NA SA RELASYON NILA NI MARCO
- BULGAR

- Apr 17, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

Photo : @iloveruffag
PINABULAANAN ni Janella Salvador na may something na namamagitan sa kanila ng isa sa mga aktor ng Los Bastardos na si Marco Gumabao matapos kumalat na spotted sila noon sa isang resto o bar na sweet sa isa’t isa.
Ayon sa young actress, hindi na sila nagkakausap ni Marco. Pareho raw nilang desisyon ang ‘wag nang mag-usap dahil nabibigyan ng ibang kahulugan ang pagkakalapit nilang dalawa.
Sinabi ni Janella na ang online rumors between sa kanila ni Marco ay walang katotohanan. Hindi raw sila naging mag-boyfriend. Wala rin daw katotohanan na pinigilan niya si Marco na tigilan na ang panliligaw sa kanya. Mutual decision daw nila na tigilan na ang communication nila.
At kung bakit hindi nag-pursue ang magandang samahan ng dalawa, pag-amin ng young actress, ang mga nakapaligid sa kanila ni Marco ang isa sa mga dahilan.
Ani Janella sa Tonight with Boy Abunda, “Lie, it’s not binasted.”
Dagdag pa niya, “We were just friends. We were getting to know each other… Wala pa kami doon [but] people started assuming already. So, wala, we just talked about it and decided to end things.”
Marami ang nagsasabing tama lang daw ang naging desisyon ni Janella na huwag munang makipagrelasyon. Mukhang hindi pa naman daw kasi handa ang young actress sa naranasang trauma nu’ng sila pa ni Elmo Magalona.





Comments