Pagkansela ng insurance contract

Dear Chief Acosta,
Dahil hindi ako nakapagbayad ng premium sa tamang panahon, maaari bang kanselahin ng insurance company ang aking fire insurance policy nang wala man lang pasabi sa akin? — Marione
Dear Marione,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 64 ng Repubic Act (R.A.) No. 10607 kung saan nakasaad na:
“Section 64. No policy of insurance other than life shall be cancelled by the insurer except upon prior notice thereof to the insured, and no notice of cancellation shall be effective unless it is based on the occurrence, after the effective date of the policy, of one or more of the following:
a. Nonpayment of premium; x x x” (Binigyang-diin)
Samakatwid, hindi maaaring kanselahin ng insurance company ang inyong fire insurance nang walang pasabi sa inyo sapagkat ayon sa batas dapat mabigyan muna kayo ng notice para rito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments