Nag-iinspeksiyon ng road project sa barangay | 2 SUNDALO PINAGBABARIL, UTAS
- Jeff tumbado
- Apr 17, 2019
- 1 min read

BULAGTA ang dalawang sundalo habang isa ang sugatan nang makaengkuwentro ng mga hinihinalang rebelde sa Samar.
Batay sa ulat na ipinarating sa Police Regional Office sa Eastern Visayas (PRO-8), kinilala ang mga napatay na sina Corporal Bueno at Private First Class Labid.
Kapwa mga nakasibilyan ang mga sundalo na bahagi ng clearing at route security team ng 543rd Engineer Combat Battalion.
Nag-iinspeksiyon ang mga sundalo sa ilang road project sa mga barangay ng San Antonio, Aguinaldo at San Isidro sa bayan ng Las Navas, Northern Samar nang tambangan ng mga umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) alas-11:20 ng Lunes ng umaga.
Samantala, sugatan si Private First Class Renan Antojado sa hiwalay na pananambang sa Bgy. Literon, Calbiga, Samar.
Nagpapahinga lang umano si Antojado kasama ang iba pang sundalo sa Calbiga River nang pagbabarilin ng mga rebelde.





Comments