top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga anak isinasama para ‘di mapaghinalaan | NANAY NA TULAK, HULI

  • V. Reyes
  • Apr 17, 2019
  • 1 min read

KALABOSO ang ginang at apat na iba pa kasunod ng buy-bust operation sa Bgy. Tagumpay, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Nabatid na ang ginang na suspek na itinago sa pangalang Maureen ang pinagmumulan ng droga ng mga parukyano sa lugar.

Ayon kay Police Lt. Col. Jeffrey Bilaro, isinasama pa ng suspek ang kanyang mga batang anak sa pakikipagtransaksiyon.

Ginagamit aniyang front ang mga paslit para hindi mapaghinalaan o mahuli.

Depensa ni ‘Maureen’, wala siyang mapag-iwanan sa mga bata kaya malimit niyang kasama ang mga ito kahit saan magpunta.

Itinanggi rin nito na siya ay nagtutulak ng droga. Napag-alaman din ng pulisya na kasabwat ng mga suspek ang taxi driver na siya umanong naghahatid ng droga ngunit, itinanggi ito ng huli.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page