top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

DAVAO, BUMIDA SA GAME 2 VS. SAN JUAN SA MPBL FINALS

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 17, 2019
1 min read

WALA sa laro ng Davao Occidental Tigers sina Billy Robles at Mark Yee, dalawang dating pros sa series opener pero isang malaking laro ang binira ng team noong Sabado ng gabi para sa panalong 67-60 laban sa San Juan Knights sa Game 2 ng kanilang best-of-five series ng National Cham­pionship ng MPBL Datu Cup na idinaos sa Rizal Memorial College Gym.

Nagpakawala si Robles ng 17 puntos kabilang na ang 12 sa second half. Kilalang Ilonggo Superman, nagawa niyang makahabol kontra sa Knights sa mga suwerte niyang basket kaya naman nabuhay ang team sa Game 1.

Isa sa leading candidates para sa MVP, tumapos si Yee ng may 16 puntos at 10 rebounds na kanyang ika-20 double-double sa torneo.

Dumagdag din si Yee ng 4 blocks kabilang na ang krusyal na basket sa papakulapsong segundo ng laro upang harangan ang pag-asa ng Knights sa kontensiyon.

“Nag-adjust kami sa depensa tsaka sa rebounding,” ani Yee.

Si Robles naman sa kabilang banda ay nais magpokus sa tsansa ng team sa laro kontra San Juan para sa Game 3 at Game 4. Habang isinusulat ito ay naglaro kagabi ang Game 3 sa FilOil Flying V Center bago ang break ng torneo ngayong Holy Week.

Ang Game 4 ay babalik sa parehong ve­nue sa Abril 22. Noong 2000, ang San Juan ang naging national champion sa Metro­politan Basketball Association, ang pre­cur­sor ng MPBL. (VA/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page