top of page

Alamin mula kay Señor... KAHALAGAHAN NG PAGBABASA NG BIBLIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 17, 2019
  • 3 min read

Bigyang-daan natin ang email ni Jon-Jon ng Joni_ Aquino@facebook.com

Dear Señor,

Mahilig ako sa mga orasyon at may mga libro ako na ginagamit ko kung kinakailangan.

Sa kolum ninyo, nabasa ko na kailangang magbasa ng Bibliya. May Bibliya ako, pero madalang kong basahin, pero ngayon ay sinisikap kong tapusin ang pagbabasa nito.

Nag-message ako sa inyo para magpasalamat dahil ngayong ko lang na-realized na ang Bibliya pala ay nakaa­adik basahin, sabi nga ng bestfriend ko, baka raw maloko ako kasi ang pagbabasa ng Bibliya ay nakaloloko. Hindi ko na lang siya pinansin, pero mag-bestfriend pa rin kami.

Maraming salamat!

Naghihintay,

Jon-jon

Sa iyo Jon-Jon,

Una muna, maraming-maraming salamat sa iyo sa pagsubaybay mo sa kolum natin na Karunungang Lihim.

Alam mo, iho, si Ambo ‘yung may kolum na Bistado rito rin sa BULGAR, nakaugalian na niyang basahin ang Bibliya tuwing Holy Week. Kaya sa aming magkakapatid, siya ang pinakamaraming beses na nakabasa hanggang sa huling pahina ng Bibliya.

Alam mo, rito sa amin sa Bulacan, every Holy Week, ang tradisyon sa pagbabasa ng pasyon ay ginagawa sa bawat araw ng Holy Week. Tuluy-tuloy na binabasa ang aklat ng pasyon at hindi humihinto hanggang sa matapos, minsan nga, inaabot pa ng madaling-araw ang pagbabasa dahil binabasa nito hanggang sa matapos.

Ang mga mambabasa ay nagpapalit-palit ng pagbasa at kapag natapos ng maaga, muling binabasa at kailangang ta­pusing ang buong pasyon. Noon, oras-oras may “pakain” at ang nagpapakain ay ang mga magkakapitbahay sa barangay namin kaya ang lahat ng mamamayan ay may partisipasyon sa pagbasa ng pasyon.

Si Ambo naman, personal niyang bow ang pagbabasa ng Bibliya, sa halip na pasyon ang paulit-ulit na binabasa niya sa buong Holy Week. Alam mo, iho, ang mga salita ni God ay makapangya­rihang mga orasyon, kumbaga, hindi mga simpleng salita lang ang binigkas ni God dahil may kapangyarihang taglay ang mga ito.

Tingnan mo, iho, sinabi ni God , “tutubuan ang lupa ng mga halaman.” Nakita mo ba na nagtubuan ang mga halaman at hanggang ngayon, tumutubo pa ang mga halaman. Subukan mong bunutin ang mga halaman at makikita mo na may mga tutubo na naman dahil ang utos ni God ay “tutubuan ng mga halaman ang lupa.”

Sinabi ni God , “magpakarami kayo!” Napansin mo ba ang tao, mas paparami nang paparami ang populasyon kahit na ang mismong United Nations ay may programa na kontrolin ang bilang ng populasyon?

Bigo sila at patuloy na mabibigo dahil ang sinabi ni God na “magpakarami kayo”, isang makapangyarihang orasyon na tiyak na mangyayari. Ikaw, Jon-Jon, may sandali ba o mga araw na sa tingin mo ay madilim ang iyong buhay, ‘yung mga araw na tila ba suko at nawawalan ka na ng pag-asa na para bang wala ka ng nakikitang liwanag sa buhay mo?

May orasyon si God para sa iyo at ito ay ang usalin mo na “let there be light”! Subukan mo, iho, muli sa mga araw o sandali na akala ng tao na madilim ang kanyang buhay dapat niyang sabihin ang sinabi ni God, “let there be light”!

Tagalog o English o anumang dialect na sinasalita mo, sabihin mo pa rin ito. ‘Wag kang mag-alala, si God ang may likha ng lahat ng lengguwahe sa lupa, kaya maiintindihan ka Niya, sure ‘yan, Jon-Jon.

◘◘◘

Naglalaro ka ba ng games of chances, binggo, cards o maging lotto o numbers game, gusto mong buwenasin ka? Ang orasyon ay “Deus, Obsecro, Mihi Bonus Fortuna In Venatus Circa Cujusvis Ulla Potestas. Amen.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page