top of page
Pokwang.jpg

Wala raw kailangang patunayan… SIGAW NG MADLANG PIPOL KAY JK: MAGPATINGIN KA NA SA DOCTOR SA PAG-IIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 16, 2019
1 min read

TINATAWANAN na lang ni JK Labajo ang mga panawagan ng ilang netizens na siya ay magpa-checkup sa psychologist upang malaman umano ang kalagayan ng kanyang pag-iisip.

Matatandaang nitong nakaraang buwan lamang ay nasangkot ang singer sa ilang kontrobersiya pagkatapos nitong patulan ang isang manonood sa isa nitong gig sa Circuit, Makati.

Bukod pa rito ang Twitter word war nila ng kap­wa singer at The Voice Kids co-finalist na si Darren Espanto, at ang pagmumura nga ni JK sa isang music festival matapos isigaw ng isang fan ang pangalan ni Darren habang nagpe-perform siya sa entablado.

Kasunod nito, sinabi ni JK na may mga nagba­banta sa kanyang buhay.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories (IG Stories) nitong Linggo nang gabi (April 14), ibina­hagi ni JK ang kanyang saloobin tungkol dito:

“pretentious act

“saying I need psychological help

“yet they’re the

“ones who got

“fooled by the

“angelic mask.

“master of manipulation.

“the truth will prevail.

“and when that happens, i’ll laugh.”

Dagdag pa ng vocalist ng Juan Karlos band, hindi niya kailangang patunayan ang kanyang pagiging inosente.

Ang mahalaga, alam daw ng mga taong naka­kakilala sa kanya ang totoo.

“no need to prove my innocence.

“only the people who know me well know the truth and that is enough.

“i’m waiting.

“patiently, for the day where they show their true colors.

“that’s going to be a colorful day.

“i’m waiting.”

Si JK ang singer na nagpasikat sa awiting Buwan kung saan ang music video nito ay meron nang 107 million views sa YouTube.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page