Todo-displey daw ng yaman, 'di naman niya pera… RESBAK NI GRETCHEN SA BASHER: 'DI KO IPAGPAP
- BULGAR

- Apr 16, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

BUMUHOS ang pamba-bash kay Gretchen Barretto nang ipasilip niya sa kanyang mga followers ang bongga niyang walk-in closet kung saan makikita ang iba’t ibang collections niya ng mga high-end brands ng damit, sapatos at bags.
May netizen na pumuna at bumatikos kay Gretchen at sinabing hindi naman niya sariling pera ang ipinambili ng mga mamahaling gamit kundi sa kanyang long-time partner na si Tony Boy Cojuangco na legally married pa rin sa kanyang dating asawa na si Denise Yabut-Cojuangco.
Sey ng basher, “Materialistic talaga si @gretchenbarretto kahit puro ginto ang buong bahay mo ‘di mo pa rin pera ang pinangbili mo kabit @gretchenbarretto hay naku maluho ka talaga.”
Agad namang bumuwelta si Gretchen at sinabing, “ONE THING IS FOR CERTAIN, I may be called a Mistress/ kabit etc. BUT I WILL NEVER DREAM OF TRADING PLACES WITH ANY BASHER FOR THE SIMPLE REASON THAT YOU ARE ENVIOUS& Bitter [heart emoji].”
Dagdag pa niya, “The fact that you have time to waste on viewing my posts and bashing only means you are utterly disgusted with how your life is [heart emoji]”
Bumuhos tuloy ang mga bashers ni Gretchen at muli na namang nabuksan ang pagsawsaw na ginawa niya sa legal battle ni Kris Aquino laban sa dating manager nitong si Nicko Falcis.
Sey ng basher, “Tawagan mo na si @mimiyque party-party magluto ka na lang ng pancit canton, tutal du’n ka magaling, [laughing emoji]”
Muling bumanat ang netizen at ibinato sa aktres ang pagkakaugnay niya noon kina John Estrada, Bong Revilla at Atong Ang.
“Ah, hindi pala, magaling ka pa palang mang-agaw ng asawa. Just remember John Estrada, Bong Revilla at Ramon (correction, si Atong po ang na-link kay Gretchen) Ang,” pahayag ng basher.
Sa puntong ito, nanatiling kalmado si Gretchen at sumagot sa basher ng, “Eat your nasty heart out [laughing emoji] I’m living my life to the fullest while you find comfort in bashing those who live happily [hands up] love & light.”
Humirit na naman ang netizen at sinabing pinaghihirapan niya ang ipinanggagastos niya at hindi katulad ni Gretchen na “Kailangan pa niyang kumabit sa sugar daddy niya para sa mga expensive na damit niya hahaha #materialisticGreta”
Sagot-pabalik ni Gretchen, “Because nobody is willing to spend for that attitude that you have.
“It’s not the pretty face darling but the character. [kiss emoji]
“Work your ass off. [laughing emoji]”
Nang hindi pa rin tumigil ang netizen, sinabi na lang ni Gretchen na ipagdarasal na lang niya ang basher.
Ani Gretchen, “Love & light to you my dearest one. You are full of darkness. I will pray for you. [praying emoji]”
Sa kabila nito, may mga netizens pa rin ang nagtanggol kay Gretchen at sinabing ‘wag na lang niyang patulan ang kanyang mga bashers.
Ani Gretchen, “I’m just having some fun knowing there is one who is living hell on EARTH. [laughing emoji]”





Comments