Pope Francis sa publiko: MAGDASAL AT MAGING MAPAGKUMBABA
PINAALALAHANAN ni Pope Francis ang taumbayan na manatiling mapagkumbaba.
Libu-libong pilgrims ang dumalo sa naturang misa ng Santo Papa sa St. Peter’s Square.
Inalala rin ni Pope Francis ang pagpasok ni Hesus sa Jerusalem na inilarawan nito bilang “humility in the face of triumphalism”.
“Jesus shows us how to face moments of difficulty and the most insidious of temptations by preserving in our hearts a peace that is neither detachment nor superhuman impassivity, but confident abandonment to the Father and to his saving will, which bestows life and mercy,” paliwanag ng Santo Papa.
Samantala, umapela ang Santo Papa sa kabataan na huwag mahiyang ipakita ang labis na kasiyahan para kay Hesus na ito ay totoong buhay at parte ng bawat tao.
Hinimok din ni Pope Francis ang publiko na magdasal para sa kapayapaan, partikular sa Holy Land at sa lahat ng bansa sa Middle East.
Samantala, ngayong Maundy Thursday, bibiyahe si Pope Francis sa Velletri City sa timog na bahagi ng Rome kung saan gaganapin ang “washing of the feet” sa 12 inmates sa naturang lugar.
Ngayong Good Friday, pangungunahan nito ang Via Crucis (Way of the Cross) procession sa paligid ng Ancient Colosseum sa Rome.
Habang ngayong Black Saturday, isasagawa pa rin nito ang tradisyunal na Easter vigil service na susundan ng pagbasa sa “Urbi et Orbi” (to the city and the world) message pagsapit ng Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay.





Comments