top of page

Pinaigting na proteksiyon laban sa hazing sa mga paaralan, dapat lang!

  • Win Gatchalian
  • Apr 16, 2019
  • 2 min read

SINO ba ang may ayaw ng kapatiran o fra­ternity? Matinding koneksiyon, malakas na im­pluwensiya, malaking karangalan at marami pang bagay na makatutulong sa atin sa loob at labas ng paaralan, lalo na kung tayo ay magha­hanap ng trabaho.

Pero, ano ba ang negatibong naidudulot ng samahang ito? Sa paglipas ng maraming taon, kabi-kabila ang mga balitang mga napahamak sa pagsali sa fraternity o sorority.

Kaya kahit maganda ang adhikain ng sa­ma­han, nasisira ito dahil sa pang-aabuso ng ka­pang­yarihan.

Hazing — ito ang malupit na parte ng kabu­uan ng kapatiran. Labis nitong sinisira ang tunay na layunin ng samahan, lalo na ang respeto at pakikisalamuha sa kapwa.

Mula noong 2016, nagkaroon ng maraming pagsusuri at pagdinig sa Senado kasama ang iba’t ibang sektor upang ipaglaban ang Anti-Hazing Act of 2016 o Senate Bill No. 199.

Hindi nagtagal, inaprubahan at pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11053 o Anti-Hazing Act of 2018 noong Hunyo 2018.

Sa wakas, wala nang initiation rites o prac­tices ang papayagan pang isagawa sa mga fra­ternity at sorority maliban na lamang kung may pahintulot ng nangangasiwa at namamahala sa paaralan.

Sa pamamagitan ng batas na ito, makikilala sa lipunan at batas ang hazing bilang krimen na nagkokompromiso sa integridad ng kahit anong organisasyon na pinasisinayahan tu­wing may­roong interesado o nais sumali sa kanilang or­ganisasyon.

Mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pa­nanakit tulad ng paddling, paglalatigo, pam­b­ubugbog, paglalagay ng tatak, sapilitang pag-eehersisyo, pagpapabilad sa araw, sapilitang pagpapainom ng alak at pagpapagamit ng iligal na droga.

Malaki ang magagawa ng mga paaralan upang masubaybayan, matututukan at masu­sug­­po ang hazing at iba pang krimen.

Dapat magkaroon ng mga orientation at seminar ang mga nagnanais na maging mi­yembro at kasalukuyang miyembro ng fraternity o sorority.

Maaari nilang suriin ang balangkas, layunin at epekto ng pagsali at kaugnay na karanasan ng mga kasalukuyang miyembro.

Ang mga gawain na isasagawa ng fraternity ay dapat ng pag-aralan.

Naniniwala tayong hindi kayang masira ng anumang maling gawain ang sinumang matibay, may determinasyon at paninindigan sa kung ano ang tama basta suportado ito ng batas.

Bilang mag-aaral at miyembro maging ang bawat mamamayan, mayroon tayong kakaya­han na piliin ang tamang direksiyon para sa sarili nating ikatatagumpay.

Ang mga paaralan ay itinuturing na panga­lawang tahanan ng mga estudyante kaya tung­kulin nitong protektahan ang kabataan sa anu­mang kapahamakan, pananakit at lalo na ang kanilang buhay.

Sa pamamagitan ng mas matibay na panga­ngasiwa at pagsunod sa bagong batas na ito, masisigurado na walang edukasyon ng sinu­man ang maaantala at masasayang dahil sa matinding pinsalang dala ng hazing.

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page