Nagka-phobia raw mula nang makulong… BONG, TAKOT NA TAKOT PA RING MAKAKITA NG NEWS REPORTER
- BULGAR

- Apr 16, 2019
- 2 min read

MASAYANG nakipagkuwentuhan sa amin si Senatorial candidate Bong Revilla nang makita namin sa proclamation rally ni Pandi, Bulacan mayoralty candidate Enrico Roque na mas sikat sa tawag na Bodega ng Bayan and Amana Waterpark owner.
Medyo nangitim na nga si Bong sa kakakampanya at pumayat na rin. Biro nga niya, napagkakamalan na siyang si Jolo Revilla na kanyang anak.
Ngayong Holy Week, of course, time-out muna sa pangangampanya si Bong dahil magtutungo sila ng buong pamilya sa Boracay na taun-taon nilang ginagawa bago pa man siya nakulong.
Four years ding natigil ang tradisyong ito ng pamilya dahil nga sa pagkakakulong ni Bong kaya ngayon ay itutuloy na nila ulit.
“Ngayon lang kami magsasama-sama ulit dahil siyempre, during the campaign, wala, eh. Simula nang lumabas ako, talagang wala,” sey ni Bong.
Ibinalita nga niyang katatapos lang daw ng kaarawan ng misis niyang si Lani Mercado last Saturday at nag-dinner lang daw sila sa Tagaytay since busy pa nga sa kampanya.
Mukhang masaya na talaga si Bong at naka-recover na sa trauma na idinulot ng kanyang mahigit apat na taong pagkakakulong.
Pero ‘pag nadadaan pa rin daw siya sa Crame kung saan siya nakulong, napapapiksi pa rin daw siya.
“‘Pag nakikita ko siya (Crame), ‘Whew!’ ganu’n. ‘Pag nakakakita ako ng pulis, ‘Whew!’ Pero okay lang.”
Minsan nga raw ay may nakita siyang news reporter, at dahil may phobia siya, talagang nagulat daw siya nang makita ito.
Tatapusin lang ni Bong ang eleksiyon at paplanuhin na niya ang pagbabalik sa pelikula at telebisyon. Ang pag-arte raw ang bread and butter niya kaya hindi niya talaga ito tatalikuran.
Kinumpirma niyang sasali siya sa Metro Manila Film Festival this year at open siya para sa mga offers.
“Basta I’m open. Kung gusto akong kunin ninuman, I’m open. Meron din akong nakahanda (na materyal) for myself. Kung merong kombinasyon na gustong mangyari, I’m open,” pahayag ni Bong.





Comments