top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga botanteng Katoliko, taun-taon nagpapalaspas, ang ibinoboto naman mga 'hudas', ngek!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 16, 2019
  • 2 min read

DAPAT I-DEPORT AT IDEKLARANG PERSONA-NON-GRATA ANG CHINESE AMBASSADOR—Sa mismong bibig ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jinhua nagmula ang salita na nagbabawal sa mga Pinoy na mangisda sa Panatag Shoal na sakop ng Pilipinas, dahil ayon sa kanya (Jinhua) ay pag-aari raw ito ng China at Chinese lang daw ang puwedeng mangisda sa karagatang ito.

Ang dapat kay Jinhua ay ipa-deport ng Duterte gov’t. at ideklarang persona-non-grata kasi sa loob ng ating bansa niya isinagawa ang statement na nagbabawal sa mga Pinoy na mangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas, buwisit!

◘◘◘

PARANG GUSTO NI P-DU­TERTE NA HUWAG IBOTO SI FREDDIE AGUILAR — Noong Enero 23, 2019, sa harap ng mga miyembro ng TODA (Tricycle Operators and Drivers Association) sa Pasay City ay sinabi ni P-Duterte na huwag daw iboto ang mga kandidato sa pagka-senador na walang alam dahil kawawa raw ang bansa.

Noong Abril 12, 2019, sa PDP-Laban campaign rally sa Bacolod City ay inamin ni P-Duterte na hindi raw makatutulong si Freddie Aguilar sa paggawa ng batas.

Parang sinabi na rin ni P-Duterte na huwag iboto ang “manok” niyang walang alam na si Freddie Aguilar, boom!

◘◘◘

MGA HUDAS SA BAYAN, IBINOBOTO NG MAYORYANG KATOLIKO—Mayorya ng mga botante sa Pilipinas ay mga Katoliko. Kung iisipin, boto ng mga Katoliko ang nagpapanalo sa mga kandidato.

Taun-taon, ngayong Mahal na Araw, ang mga Katoliko ay humahawak ng palaspas, pero ang masaklap, ang ibinoboto ng mayoryang Katoliko ay mga hudas sa bayan, buwisit!

◘◘◘

IMBES NA ANG MGA SANG­KOT SA ILIGAL NA DROGA ANG TUGISIN, ‘WHISTLEBLOWER’ ANG TINUTUGIS NG PNP—Hina-hunting na ng PNP si alyas Bikoy na nagbulgar na sangkot daw sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa ang pamilya ni P-Duterte.

Baligtad yata kasi imbes na ang mga isinasangkot sa iligal na droga ang tugisin, eh, ang tinutigis ng kapulisan ay ang “whistleblower”, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page