Laging jinx, walang lucky… TISAY NA AKTRES, SEXY NGA PERO WALANG KADATING-DATING SA MGA FANS, MOVIE
- Erlinda Rapadas T.
- Apr 16, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
NAKAKAAWA naman ang isang nagpapaseksing tisay na aktres na nababansagan ngayong “Jinkee Oda” (jinx) dahil flopsina na naman sa takilya ang latest movie na ginawa niya.
Wala pa kasing pelikulang kumita sa takilya ang tisay na aktres na may sexy image. Wala raw itong ka-appeal-appeal kaya hindi pinanonood ang kanyang mga pelikula kahit na sino pa ang ipareha sa kanya.
Sexy nga siya pero flat na flat naman ang kanyang personalidad at walang karisma sa tao. Ilang producers na ang sumubok na siya ay kunin at pagbidahin sa kanilang pelikula, pero kahit na anong buildup sa kanya tuwing may ipo-promote ay dedma pa rin ang moviegoers at hindi pinanonood ang kanyang movie.
Nagtataka tuloy ang mga netizens kung ano’ng katangian ang nakita sa kanya ng isang aktor-TV host na karelasyon niya ngayon?
Todo-tanggol sa kanya ang BF kapag siya ay bina-bash at nilalait. Hindi kaya ma-feel ng sexy star na hindi siya type ng mga moviegoers?





Comments