top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kelot, niratrat ng tanod

Levi Gonzales
Apr 16, 2019
1 min read

KRITIKAL ang 26-anyos na lalaki matapos barilin ng barangay tanod sa Bgy. Pahinga Norte, Candelaria, Quezon.

Ayon sa report, alas-9:45 ng gabi, lasing ang biktimang si John Rey Mercado, 26, nang kausapin ang suspek na si Carlito Alday, 53, may asawa, kapwa residente ng naturang lugar.

Napag-usapan umano ng dalawa ang nawawalang kapatid ng biktima na humantong sa pagtatalo.

Roon nairita ang suspek dahilan para bumunot ito ng baril saka ilang ulit na pinaputukan sa katawan ang biktima.

Tumakas ang suspek dala ang baril sa hindi malamang direksiyon habang isinugod sa ospital ang biktima. Patuloy na ang pagtugis ng mga awtoridad sa suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page