top of page

Dehins lang daw ito basta-basta pambatang pagkain… 6 BENEFITS NG GELATIN, ALAMIN!

  • Ronalyn
  • Apr 16, 2019
  • 2 min read

No Problem

Akala ng iba, pam­batang pagkain lang ang gelatin, pero knows ba ninyo na nakatutulong ito upang gumanda ang ating immune system? Hindi lang ‘yan, sey ng experts, ang gelatin ay nakapag­pa­palusog ng ating puso dahil sa amino acid na taglay nito. Ito ay tumutulong din upang magmukhang bata ang ating balat dahil sa sangkap nitong collagen. But wait, there’s more, mga 'tol! Ayon kay Dr. Sam Christie, isang Nutritionist, ang ge­latin ay may sangkap na protein na tumutu­long para sa cell renewal ng katawan. Alamin ang mga benepisyo ng gelatin:

1. JOINT PAIN. Ito ay may proline at glycine na kinakailangan ng ating cartilage. Bu­kod pa rito, mayroon din itong calcium, magnesium, phosphorus, silicon at sulphur — mga bitamina na nakapagpa­patibay ng buto. Kaya sa mga atleta riyan, gelatin lang ang kailangan ninyo para maiwasan ang joint problems! Kaway-kaway din sa mga mahal nating lolo at lola riyan dahil ito rin ay nakatutulong upang maiwasan ninyo ang pagkakaroon ng rayuma!

2. SLEEPING HA­BIT. Kung sa palagay ninyo ay parang langit ang pag-inom ng mainit na tsokolate bago matu­log, mas parang langit sa sarap ng tulog ang mara­ramdaman ninyo kapag kumain kayo ng gelatin. Ayon sa ilang manana­lik­sik, ang taglay nitong glycine ay naka­pagpapa­buti ng pagtulog dahil nare-relax nito ang ating utak.

3. HANGOVER. Hello sa mga tropa natin diyan na mahilig maki­pag-inuman! Gelatin ang sagot sa hangover ninyo, mga 'tol, dahil ang glycine nito ang nagli­linis sa atay na naka­pagpa­paba­was ng hangover.

4. DETOX. Sinisip­sip nito ang tubig sa digestive tract upang mas mapadali ang pagtanggal ng mga dumi sa bituka. Ang glycine ay nakapag­pa­pataas ng hydrochloric acid sa tiyan upang matunaw ng acid ang mga bacteria at parasites.

5. NAILS AND HAIR. Ayon sa mga siyentipiko sa Michigan, ang pagkain ng gelatin ay nakatutulong sa pagpa­patibay at pagpapakintab ng buhok. Gayundin, ayon sa ilang pag-aaral, ito ay naka­pagpapatibay ng mga kuko.

6. SKIN. Habang nadaragdagan ang ating edad, pabawas nang pabawas ang collagen sa ating katawan, dahilan ng pagkakaroon ng wrinkles. Ito ang rason kung bakit karamihan ng celebrities ay nagpapa­turok ng collagen — upang mawala ang wrinkles at mag­mukha silang bata. Samantala, isa ba kayo sa mga trying hard para ma-achieve ang youn­ger-looking skin, pero takot sa injections at hindi afford ang mahal na cosmetics na pampa­bata? Sige na nga, ise-share na natin ang sikreto, walang iba kundi ang gelatin. Ito ay may sangkap na collagen tulad ng nabanggit sa itaas. Nabusog ka na, hindi ka pa nasaktan sa karayom, oh, ‘di ba, cool?

Oh, ayan mga 'tol! Nga­yong alam na ninyo ang benefits ng gelatin sa katawan, bakit dehins ninyo subukan? Basta ingat-ingat lang sa mga peke, ha?

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGARY - BEA, NOT ONCE BUT TWICE NANG NAUDLOT ANG KASAL-IG _beaalonzo.jpg
bottom of page