Bahay ginawang drug den | BEBOT, 4 PA TIMBOG SA P1.5-M DROGA

AABOT sa P1.5 milyong halaga ng marijuana at shabu ang nakumpiska ng Bacoor Police sa 38-anyos na bebot na kilalang tulak at partner nito, habang 3 scorer nito ang naaktuhang nagpa-pot session sa kanyang bahay na ginawang drug den, kahapon ng madaling-araw sa Springville West, Bgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.
Kinilala ni Police Supt. Vic Cabatingan ang mga suspek na sina Katrina Mares, 38, ng Bgy. Molino 3, Bacoor City, target ng pulisya sa buy-bust operation at nasa Newly Street Level Target Listed Pusher.
Nadakma rin ang kasama nito na si Virgilio Sayson alyas Bong, 39, ng Bgy. Putatan, Muntinlupa City, nasa newly identified pusher.
Naaktuhan naman ng pulisya ang 3 scorer ng mga ito sa bahay ni Mares na sina Roy Javier, 38, ng Bgy. Molino 3; Edizer Ofiaza, 39, merchandizer, ng Bgy. Bayang Luma 8, Imus City at Jefferson Ponce, 31, delivery boy, ng Bgy. Victoria, Muntinlupa City.
Sa panayam kay Col. Cabatingan, alas-2:00 ng madaling-araw nang makipagtransaksiyon ang pulis na nagpanggap na buyer.
Umiskor ng shabu ang poseur-buyer na agad nitong inabutan kasama si Sayson at dito na dinakma ang mga suspek habang naaktuhan ang 3 iba pa na bumabatak ng shabu sa bahay ni Mares.
Nasamsam ang 1 sachet ng shabu na may timbang na may 2.76 grams na nagkakahalagang ?18,768 at bloke-blokeng marijuana na may 222.9 grams at nagkakahalagang P1,515,720.





Comments