top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Titser pina-inlove, P1 milyon natangay ng chatmate | ‘ONLINE LOVE SCAM’ STRIKES AGAIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 15, 2019
  • 1 min read

TIKLO ang lalaking Liberian matapos tangkang tangayan ang P1.5 milyon sa 50-anyos na public school teacher na kumagat sa modus na ‘online love scam’.

Bukod pa ito sa mga naunang naibigay ng biktima na umabot umano sa higit P1 milyon.

Kinilala ang suspek na si Junior Kwiagaye alyas Clayton Eaton Stafford, 41.

Batay sa ulat, Biyernes nang arestuhin ang suspek sa isang entrapment operation na ikinasa ng PNP-CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit.

Unang dumulog sa mga awtoridad ang biktimang guro na mula pa sa Tuguegarao.

Ayon sa biktima, 2017 nang makilala niya ang suspek online na nagpakilala bilang umano’y diplomat na miyembro ng UN military force na nakabase sa Yemen. Hanggang sa naging magkasintahan umano sila.

Umabot umano sa lagpas P1 milyon ang naibigay na pera ng biktima sa suspek na ipinapasok sa sari-saring bank accounts.

Nangako umano ang suspek na magpapadala ito ng isang bagaheng may lamang $800,000.

Gayunman, isang diplomat umano ang tumawag sa guro at sinabing kailangan muna niyang magbayad ng P1.5 milyon bago matubos ang bagahe.

Dito na nagduda ang biktima at nagsumbong sa mga pulis. Kasalukuyang nakapiit ngayon si Kwiayage sa kasong estafa. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page