top of page

Sa mga warfreak diyan, read n‘yo ‘to, dali! TIPS KUNG PAANO KUMALMA KAPAG GALIT

  • Donna Thea Topacio
  • Apr 15, 2019
  • 2 min read

No Problem

NARAMDAMAN na ba ninyo ‘yung feeling na nagagalit kayo, pero kailangan ninyong kumalma para hindi masira ang araw ninyo? Ha-ha-ha! Relate na relate ka, besh, noh? Truly dahil normal lang ‘yan sa tao, kaya narito ang ilang paraan kung paano kakalma kahit galit na galit na:

1. DRINK WATER. Yes, besh, inum-inom din ng tubig ‘pag may time dahil nakatutulong ito upang dehins sumikip ang dibdib ninyo, gayundin para mahimasmasan kayo kahit papaano.

2. HAVE PATIENCE. Kung kaya pang magpasensiya, gawin ito dahil ito ang paraan para magkaroon ka ng peace of mind, ‘yung tipong wala kang kinaiinisan at kaaway. Mahirap kaya kapag ganu’n. Hmmm…

3. DON’T THINK NEGATIVE. Iwasan ang pag-iisip ng negatibong bagay, kung kaya, eh, huwag munang mag-overthink o magpadala sa nararamdaman dahil baka pagsisihan ninyo ‘yan kapag kumalma na kayo.

4. USE IT AS YOUR MOTIVATION. Minsan, kapag galit tayo, mas ginagalingan natin o gigil tayong kumilos dahil du’n natin ibinubuhos ‘yung inis o sama ng loob na nararamdaman natin. Maganda ito kung ganito ninyo gagamitin ang galit o inis ninyo dahil makatutulong ito upang mag-grow kayo bilang indibidwal.

5. SMILE. Ingiti mo lang ‘yan, besh! Don’t be stressed, kung iniinis ka nila, dedma lang dahil wala naman silang bilang sa buhay mo, lalo na kung isa sila sa mga hater mo. Ha-ha-ha!

‘Ika nga, live your life to the fullest, i-let-go na ninyo ang galit na inyong nararamdaman dahil maaari pa ‘yang maging sanhi ng iba’t ibang klase ng sakit. Hala!

Oh, ayan, mga beshy, simple lang ang mga tip na ito, kaya make sure na iintindihin ninyo nang mabuti nang sa gayun ay hindi kayo beastmode palagi.

Gusto mo ‘yun?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page