Pusher tiklo sa buy-bust
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. San Nicolas, Gapan City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Jason Villareal, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad si Villareal sa buy-bust operation matapos nitong bentahan ng shabu ang undercover agent ng pulisya.
Nakapiit na si Villareal na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments