Opisyal ng NCIP niratrat, utas

TODAS ang isang opisyal ng National Commission of Indigenous Peoples (NCIP) makaraan itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa kanyang bahay sa Abra, Sabado ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Crispin Abbago, 43, administrative aide IV ng naturang komisyon sa naturang probinsiya at residente ng San Gregorio, La Paz.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril si Abbago habang isinasara nito ang pintuan ng kanilang kusina.
Nakapasok umano ang gunman sa compound ng bahay ni Abbago at nang makalapit ay sunud- sunod itong pinaputukan.
Dead-on-the-spot ang naturang opisyal sanhi ng tatlong tama ng bala sa katawan habang ang suspek ay tumakas lulan ng motorsiklo.
Narekober naman ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang 5.56 mm na baril at 3 basyo nito.
Kasalukuyan pa ring inaalam sa imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo sa paglikida sa biktima.





Comments