Okay lang kay nanay | 17-ANYOS SEX SLAVE NI ‘TATAY’
- Madel Moratillo
- Apr 15, 2019
- 1 min read

SA kulungan ang bagsak ng mag-asawa matapos kasuhan ng rape ng mismong anak ng isa sa suspek na hinalay umano nito sa loob ng limang taon.
Sa ulat ng Eastern Police District (EPD), naaresto ang mag-asawa na kinilalang sina Marilyn Solis, 40, at Antonio Briza, 47, mekaniko at stepfather ng biktima, matapos ang ginawang manhunt operation ng District Intelligence Unit (DIU) at District Special Operations Unit (DSOU) ng EPD.
Abril 12, alas-7:30 ng gabi nang maaresto si Briza sa kanilang bahay sa San Miguel, Pasig City habang si Solis ay naaresto sa tapat ng isang grocery store sa nasabi ring lungsod, alas-6:45 ng umaga kahapon.
Sa reklamo ng biktima, nagsimula umano ang panghahalay sa kanya ng kanyang stepfather noong 12-anyos pa lamang siya.
Ang akala umano ng biktima ay isang beses lamang itong mangyayari pero, paulit-ulit ang pang-aabuso sa kanya ni Briza hanggang sa sumapit siya sa edad na 17.
Natuklasan umano ng biktima na ang pang-aabuso ng kanyang amain ay alam pala at may ‘consent’ umano ng kanyang ina. Nitong Pebrero 3, 2019 naglabas ng Order of Arrest si Hon. Carmencita Lacandazo Logan ng Pasig City RTC Branch 159 at matapos ang 2 buwang surveillance ay nasakote ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong rape.
Ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng Pasig City Police, habang ang biktima ay nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development.





Comments