top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lider ng mga katutubo, dinukot, pinatay ng NPA

  • Jeff Tumbado
  • Apr 15, 2019
  • 2 min read

MARIING kinondena ng isang katutubong komunidad ang ginawang pagdukot at pagpaslang sa kanilang leader na umano’y kagagawan ng New People’s Army (NPA)-Communist Terrorist Group (CTG) sa San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon sa naiparating na reklamo sa Philippine Army Headquarters sa Southern Luzon Command at sa Occidental Mindoro Provincial Police Office (OMPPO), sa harap mismo ng pamilya ng biktimang si Jose Barera, 47, nang puwersahin umanong kunin ito sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Naibsuan ng pitong armadong NPA Biyernes ng gabi.

Si Barera ay lider ng tribung Hanunuo, isa sa mga komunidad ng Mangyan Indigenous People na naninirahan sa bulubunduking bahagi ng Occidental Mindoro.

Nasaksihan mismo ng chieftain ng tribu na si May-At Luzon at iba pang miyembro ng tribu ang krimen kung saan kanilang sinabi na parang hayop umanong pinatay si Barera.

Nakita ang bangkay ni Barera alyas Gegs sa bahagi ng Tumalo River kinabukasan na may mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Itinuturong nasa likod ng krimen ang Kilusang Larangang Gerilya-Silangan (KLG Silangan) na pinamumunuan ni Kumander Rosita Serrano alyas Ester, ng Sub-Regional Military Area-4D na kumikilos sa silangang bahagi ng Mindoro.

Napag-alaman na si Barera ay dating miyembro ng NPA sa ilalim ng Sangay ng Partido sa kanilang barangay bago nagbalik-loob sa pamahalaan.

Kilala rin umano si Barera bilang tagasuporta nina Congressman Josephine Sato at Governor Gene Mendiola na parehong aktibo sa pagbibigay ng pondo at suporta sa Mangyan Community.

Samantala, nanawagan naman sa buong katutubong aeta si Col.

Marceliano Teofilo, ang commander ng 203rd Infantry Brigade-Philippine Army sa Mindoro na manindigan at labanan ang paghahasik ng terorismo ng CPP-NPA.

Kinondena rin nito ang human rights group na “Karapatan” sa patuloy na pananahimik nito sa mga ginagawang pagpaslang ng NPA sa mga sibilyan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page