Kasabay ng maintenance shutdown | MRT 3 MAGDI-DEPLOY NG MGA BUS

MAHIGIT 140 bus ang nakatakdang ipakalat ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) sa loob ng isang linggo na wala itong operasyon dahil sa isasagawang maintenance.
Nauna nang inianunsiyo ng pangasiwaan ng MRT 3 na magpapatupad sila ng maintenance shutdown mula ngayong Abril 15 (Lunes Santo) hanggang Abril 21 (Linggo ng Pagkabuhay).
Babalik ang normal na operasyon ng MRT 3 sa Lunes, Abril 22.
Itinakda ng MRT 3 ang drop-off at pick-up points o ang mga lugar na puwedeng magbaba at magsakay ang mga bus na idi-deploy nito sa hindi kalayuan sa mga istasyon din ng MRT 3 sa EDSA.
Samantala, ang singil sa pasahe ay ibabatay sa fare matrix ng MRT 3.





Comments