DALAWANG 10 ISKOR NG MEXICO AT BELARUS SA CLIFF DIVING PALAWAN


PINAKAMAHUSAY na porma ang ipinakita ni Jonathan Paredes ng Mexico sa opening stop ng idinaos na 2019 Red Bull Cliff Diving World Series at nagtagumpay sa kanyang unang dayb sa Small Lagoon sa El Nido, Palawan at dalawang perfect 10 ang nakuha niyang iskor sa judges at lumider na matapos ang 2 rounds kamakalawa.
Sa women’s competition, sinorpresa ni Yana Nestsiarava ng Belarus ang mga katunggali at manonood sa dalawang parehong high scores sa una niyang dalawang dayb malapit sa mga batuhan.
Kilala si 2017 World Series champion Paredes sa kanyang walang bahid-dungis na palabas at naging malakas ang kanyang panimula matapos na maagaw sa kanya ang titulo ni Gary Hunt ng England noong 2018. Pumosisyon ang 29-anyos na diver sa isang limestone cliff. Nanguna siya sa standings, segunda sina Kris Kolanus ng Poland at Italian wildcard Alessandro De Rose.
Nabanggit ni De Rose na sagabal lang ang pag-akyat sa maliliit na bato na tinatapakan nila sa ibabaw ng cliff. “The hardest part is the climb up the cliff face. Once I’ve planted my feet and positioned myself on the take-off spot, I’m comfortable and ready to dive as normal.”
Habang si Nestsiarava na tumapos na 5th place noong nakaraang season ay makapigil-hininga ang pag-dayb sa sumisikat na araw. Ang una niyang dive sa emerald lagoon waters ay nakakuha ng tatlong 8.5 mula sa judges, kaya hawak ngayon ng Belarusian ang top spot at nanaig sa impresibo ring American wildcard na si Ginger Huber at three-time champion Rhiannan Iffland ng Australia.
“This is a location which is a bit difficult for me because I’m from Belarus and there it’s cold,” ayon kay Nestsiarava. “The sun almost killed me. Actually the view and everything around is awesome. I’m happy with my dives. I was a little bit surprised because the platform is not comfortable, so I’m happy with this, but it’s only halfway and we’ll see tomorrow.”
Ang local favorite naman na si Filipino-Australian Xantheia Pennisi ay napag-ibayo ang kanyang round 2 standings sa bisa ng malakas na dayb. Gumawa si Pennisi ng dalawang Somersaults 1/2 habang ang pag-twist ay may average 7.5 score mula sa judge para sa 8th place. (MC)





Comments