top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dahil hindi raw sapat kung ito lang ang iyong isinasabuhay... BAGAY NA DAPAT IKONSIDERA HABANG NANAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 15, 2019
1 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Randy ng Randy_Olarte @facebook.com

Dear Señor, Ang pananampalataya kay God ay sapat na para sa kaligtasan. Nabasa ko sa kolum ninyo ang tungkol sa krus ng kaligtasan na pinasan ni Kristo, makakasama ba ako sa mga maililigtas Niya kung nananampalataya ako sa Kanya? Thank you!

Naghihintay, Randy

Sa iyo Randy, Tama ‘yun, ang manampalataya sa Panginoon ay maililigtas, ito ay letra-por-letra na nakasulat sa Bibliya.

Pero, alam mo, iho, ayon kay Kristo, may mga bagay na hindi kaya ng pananampalataya, kumbaga, kulang ang pananampalataya para makasama ka sa mga maililigtas ni Kristo.

Basahin mo, iho, “lumapit kay Jesus ang mga apostol, nagtanong sila ng ganito, “Lord, hindi namin mapagaling ‘yung mga tao kahit may pananampalataya kami.”

Ang sagot ni Kristo, “Naku! Nakalimutan kong sabihin sa inyo na ang pananampalataya ay hindi sapat para mapagaling ninyo ang mga may karamdaman.”

Sabi pa niya, basahin mo, iho, letra-por-letra, “kailangan ninyo na mag-ayuno para sa ganu’ng gawain.”

Maganda kung magbabasa ang tao ng Bibliya. Muli, mahalaga ang fasting at pananampalataya.

Ngayong Holy Week, mag-fasting ka, iho, magbasa ka rin ng Bibliya.

Kahit ang agham ng medisina ay nagpapatunay na ang pagpa-fasting ay nakalilinis ng katawan.

Kaya ang mga ito ay katumbas din ng cleansing, kumbaga, kahit walang relihiyon ang tao, malaki ang benepisyo na makukuha niya sa fasting.

Pero, para malinaw, “have faith, fasting and it’s like magic which purify the soul.”

◘◘◘

Bago ka umalis ng bahay o pagkagising mo, ang orasyon para suwertehin ka ay “Sancti spiritus benedicat mihi hanc mane. Amen!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page