Angat Dam natutuyot na, nakupo!

Natutuyot na ang Angat Dam sa Bulacan.
Nanangkupooo!
◘◘◘
Marami ang nalulunod sa swimming pool ng mga resort.
Pwes, ipagbawal ang tubig sa pool!
◘◘◘
Sobrang maalinsangan ng panahon.
Heat stroke pa more!
◘◘◘
Nakabalik na ang mga rebelde sa Libya.
Talo na naman ang mga Kano!
◘◘◘
Suko na si P-Digong sa matinding trapik.
Hindi puwedeng itokhang ang mga tsuper.
Mauubos ang supply ng kabaong!
◘◘◘
Si Sen. Manny “Pacman” Pacquiao ang unang aspirante sa pagka-bise-presidente sa 2022.
Sino ang may reklamo?
◘◘◘
Nakapasok na sa Magic 12 si Heneral “Bato”.
Inggit na naman ang mga drug lord!
◘◘◘
Sino raw ang susunod sa yapak ni Sen. Pacquiao?
Siyempre, walang iba kundi si Jinkee!





Comments