5 yrs.old nalunod, patay
- Levi Gonzales
- Apr 15, 2019
- 1 min read

PATAY ang 5-anyos na batang lalaki matapos malunod sa resort sa Bgy. Bulacnin, Lipa City, Batangas.
Batay sa imbestigasyon, alas-6:45 ng gabi nang mapansin umano ng ilang bisita ng Loghouse Resort ang biktimang si Carl Keiron Belen, na nalulunod sa apat na talampakang swimming pool.
Mabilis nilang sinaklolohan ang batang biktima kung saan dali-dali siyang isinugod sa pagamutan at pinilit pang maisalba ang kanyang buhay ngunit, binawian din ito ng buhay. Dagdag pa ng kaanak nito, mabilis siyang nakaalpas sa pamilyang nakabantay sa kanya hanggang sa magtungo sa pool saka mag-isang lumusong sa tubig.





Comments