Wanted na kagawad timbog
- Pabs Hernandez III
- Apr 14, 2019
- 1 min read
AGUSAN DEL SUR—Isang wanted na kagawad ang naaresto ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Culi, San Luis sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Kagawad Arturo Senadero, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na dinakip ng mga awtoridad si Senadero sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban si Senadero nang dakpin ito ng mga awtoridad sa naturang barangay.





Comments