top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Transgender bawal sa U.S. military, epektib na

Jersey Sanchez
Apr 14, 2019
1 min read

IPINATUTUPAD na ang transgender ban sa mga pumapasok sa military sa Estado Unidos.

Ayon sa U.S. Department of Defense, nais lamang nilang panatilihin ang magandang imahe ng U.S. military.

Mahalaga umano na magkaroon ng mataas na standard ang U.S. military para sa pagharap sa giyera.

Samantala, nilinaw ng Pentagon na ang nasabing paghihigpit ay hindi ipatutupad sa lahat subalit, marami silang hindi tatanggapin sa mga taong magpapa-enlist.

Matatandaang, una nang umani ng batikos, lalo na sa grupo ng LGBT ang nasabing hakbang mula nang ianunsiyo ni U.S. President Donald Trump ang naturang patakaran noong 2017.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page