Malinaw ayon sa birthday... MAG-ASAWANG NAKATAKDANG MAKAPAGPATAYO NG BAHAY AT LUPA KU
- BULGAR

- Apr 14, 2019
- 2 min read
Dear Maestro,
Sa May 14 ay magsasampung taon na kaming kasal ng mister ko at mula nang kami ay magsama, pangarap na naming magkaroon ng sariling bahay at lupa.
Ngunit, hindi ito matutupad kung ang maliit na suweldo lang naming mag-asawa ang aming aasahan.
Sa ngayon, pareho kaming factory worker sa pabrika rito sa Bulacan.
Kaya gusto kong humingi ng masusuwerteng numero para matupad ang pangarap naming mag-asawa na magkaroon ng bahay at lupa kahit maliit lang.
Matutupad kaya ang pangarap naming ito? May 7, 1985 ang birthday ko habang August 31, 1978 naman ang mister ko.
Sana, Maestro ay masagot ninyo ang aking katanungan dahil paminsan-minsan ay tumataya rin kami sa lotto.
Umaasa,
Len-Len ng Tabang, Guiguinto, Bulacan
Dear Len-Len,
Ayon sa sa birth date mong 7 at destiny number na 8 (5+7+1985=1997/ 19+97=116/ 11+6=17/1+7= 8) habang 31 o 4 (ang 31 ay 3+1=4) naman ang birth date ng mister mo na may destiny number na 1 (8+31 +1978=2017/ 20+17=37/ 3+7=10/ 1+0=1), mapalad kayong mag-asawa sa mga numerong may sumatutal na 1, 4 at 7 tulad ng 1, 10, 19, 28, 37, 13, 22, 31, 40, 16, 25, 34 at iba pang kauri nito, lalo na tuwing sasapit ang buwan ng Mayo at Oktubre.
Bukod sa mga numerong may sumatutal na 1, 4 at 7, maaari rin ninyong subukan ang 1, 14, 20, 23, 28 at 35, gayundin ang 7, 19, 25, 28, 37 at 44.
Dagdag pa rito, upang madali ninyong mahigop ang suwerte at magandang kapalaran, kailangan ding palagi kayong gumamit ng masusuwerte ninyong kulay, partikular ang berde at pula upang madali ninyong maakit ang buwenas na may kaugnayan sa salapi at materyal na bagay.
Upang masigurado ang malaking panalo sa anumang sasalihang raffle o number games, maghanap kayo ng lotto outlet na malapit sa telecommunication company, gayundin sa publication company at maaari ring lotto outlet na katabi ng computer shop. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa inyo ng jackpot.
Habang, ayon sa Decadens ng Kapalaran, sa sandaling sinunod ninyo ang mga simpleng rekomendasyon sa itaas, tiyak ang magaganap, sa susunod na taong 2020, sa edad mong 35 pataas, malaking halaga ng salapi ang inyong maibubulsa, sapat upang makabili na kayo ng sariling house and lot o kaya ay makabili na kayo ng lupa hanggang sa tuluyan n’yo na ring maipagawa ang pangarap ninyong dream house.




Comments