Eleksiyon sa India, 4 patay
APAT katao ang nasawi sa pagsisimula ng eleksiyon sa India. Batay sa ulat, dalawa katao na nagtatrabaho sa Andrha Pradesh Ruling Party na Telugu Desam ang napatay sa naganap na komprontasyon sa mga supporter ng regional opposition party.
Isang election official din ang patay nang atakihin ito ng mga suspected insurgent sa northeast India at isa ang napatay ng government forces.
Isinasagawa ang halalan sa 18 Indian States at dalawang Union Territories sa gagawing seven-phase election sa loob ng anim na linggo na magtatapos sa Mayo 19 at ang bilangan ay isasagawa sa Mayo 23.





Comments