top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dalagang tinulungan ang pulubi

  • ROMA AMOR
  • Apr 14, 2019
  • 1 min read

Dear Roma,

Dear Roma,Ako si Ailish, 18 years old at kasalukuyang nag-aaral. Minsan pagsakay ko ng jeep sa Maynila, mayroong pulubi na big­lang sumakay at nang­hihingi ng pera. Binigyan ko ‘yung bata at bigla akong sinigawan ng dri­ver na kinukunsinti ko raw ‘yung bata, dapat daw ay hindi ko binigyan para madala. Nainis lang ako sa manong driver. Ano ang masasabi ninyo sa nangyaring ito? — Ailish

Ailish,

Hindi naman masa­ma ang pagtulong, sabi nga ni Lau Tzu, “bigyan mo ng isda ang tao at siya’y na­pakain mo ng isang araw” ngunit, may punto rin na­man ang manong driver. Paano kung sa ganu’ng buhay na lamang siya masanay? May posi­bilidad na makalakihan na niya ang ganu’ng gawain at hindi na siya magsikap sa buhay. May mga pagka­kataon pang dahil sa na­sanay silang mayroong nagbibigay sa kanila, su­masama ang loob nila at nananakit ng mga pasa­hero kapag wala ni isa ang nag-abot sa kanila. Ano ba ang alam natin sa pi­nag­gagamitan nila ng perang ibibinigay ng mga tao? Maraming kabataan sa ilalim ng tulay na imbes na tinapay ang hawak eh, rugby ang pinagkakaaba­lahan. Ngunit, tulad nga ng nabanggit, hindi ma­sama ang tumulong, min­san, mayroon ding mga “no choice” lang kaya nag­lakas-loob ibaba ang pride para lamang ma­kahagi­­lap ng pera, tulad ng ibang batang humihi­ngi ng tu­long sa mga pa­sahero ng jeep dahil ka­ilangan ng nanay o kapa­tid nila na nasa ospital. May­roong pagkakataong totoo ang mga ganitong se­naryo, kaya naman ma­ging ma­talino rin tayo sa ating pag­tulong dahil baka im­bes na akala na­tin ay tunay ngang na­katulong tayo, hindi natin alam na naka­sama pa pala tayo. God bless you!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page