top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

16-anyos na athlete, paulit-ulit ni-rape ni coach | sex palit scholarship

  • Levi Gonzales
  • Apr 14, 2019
  • 1 min read

KINASUHAN ang pu­nong barangay matapos ha­layin nang paulit-ulit ang Grade 11 student sa bahagi ng Tanauan City, Batangas.

Batay sa pormal na pa­hayag ng biktimang si alyas Jane, 16, ilang beses umano siyang ginahasa ng suspek na si Ramil Mercado, Pu­nong Barangay ng Altura Bata, ng nasabing lungsod at head coach/manager ng softball team.

Palagi umano siyang ti­natakot nito at nagbaban­tang tatanggalan siya ng scholarship at ang kanyang pagiging miyembro ng soft­ball team.

Dagdag pa ni ‘Jane,’ tu­wing may laban siya sa bansa at ibayong-dagat, palagi umano siyang inaabuso ng suspek.

Kinasuhan naman ng pulisya ang suspek habang patuloy ang paggabay ng De­partment of Social Wel­fare and Development sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page