top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pira-pirasong parte ng Japanese aircraft, natagpuan

Jersey Sanchez
Apr 13, 2019
1 min read

Patuloy ang paghahanap sa nawawalang piloto ng bumagsak na Japanese aircraft sa Pacific Ocean.

Ito ay matapos matuklasan ang pira-pirasong parte ng Japanese F-35 stealth fighter na bigla na lamang nawala sa radar.

Sa panayam kay Defence Minister Takeshi Iwaya, narekober umano ang ilang parte ng nasabing eroplano habang isinasagawa ang search operations sa dagat.

Alas-10:30 ng gabi nang mawala sa radar ang fighter jet na lumilipad ng 135km o 84 miles sa silangang bahagi ng Misawa, Japan.

Nagawa pa umanong magpadala ng abort mission signal ng nawawalang piloto subalit, kalaunan ay nahirapan na silang kontakin ito.

Sa ngayon, sinuspinde muna ng Japan ang pagpapalipad sa 12 natitirang F-35 fighter jets.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page