Oks sa 'yo, Susan? NAGING BABAE NOON NI FPJ, GUSTONG MAPASAMA SA SERYE NI COCO


NANGAGSIWALA man at pinatay na ang ilan sa malalaking artista sa seryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin tulad nina Lito Lapid, Eddie Garcia, Edu Manzano, Jhong Hilario, Roderick Paulate, Amay Bisaya atbp., still, marami pang artista na nagnanais na magkaroon ng exposure at makasali sa Ang Probinsyano.
Malakas daw kasi ang recall at impact kapag sila ay napapanood sa serye ni Coco. Kahit saan sila magpunta ay kilala sila at pinagkakaguluhan.
Naging malaking bentahe ito sa mga kandidatong artista tulad nina Lito na tatakbo uling senador, Edu na congressman naman sa San Juan, Jhong na konsehal sa Makati, Roderick na vice-mayor sa QC at si Manoy Eddie na No. 1 nominee ng partylist na Ako Bikol.
Maging si Amay Bisaya ay natulungan ng Ang Probinsyano at siya ngayon ay kumakandidatong gobernador ng Bohol.
At maging ang mga artistang nasa abroad na tulad ni Rosemarie de Vera ay nangangarap ding mapasama at mabigyan ng role sa Ang Probinsyano.
Si Rosemarie ay naging leading lady ni Fernando Poe, Jr. sa isa niyang pelikula. Mapagbigyan kaya ni Coco Martin ang hiling ni Rosemarie de Vera?
Sana naman.





Comments