Nakasandal sa dingding, bumagsak, nadaganan | BEYBI PATAY SA KUTSON

DEDO ang isang taong gulang na sanggol matapos madaganan ng kutson habang natutulog sa Bgy. Pinagbuhatan, Pasig City, kamakalawa.
Dead-on-arrival sa Pasig City General Hospital si Austine Tesorero, 1 taon at 3 buwan, dahil sa suffocation.
Naganap ang insidente sa bahay ng Pamilya Tesorero sa Bgy. Pinagbuhatan, alas-12:30 ng tanghali.
Ayon sa ama ng sanggol na si Joey, natutulog umano ang kanilang anak kaya panatag siya na iniwan ito sa silid habang nanananghalian ang pamilya sa kusina.
Nagulat na lamang umano sila nang makitang nabagsakan na pala ng queen sized bed foam na nakasandal sa dingding ang sanggol na naging sanhi upang ma-suffocate ito.
Agad isinugod sa pagamutan ang sanggol ngunit, idineklara na itong patay.





Comments