Nakabasa ng salitang “Lusit”

Salaminin natin ang panaginip ni Niela ng Nielia _Rabaca@facebook.com
Dear Professor,
Nanaginip ako tungkol sa nabasa kong salitang “lusit”. Ano ang ibig sabihin nito?
Maraming salamat!
Naghihintay,
Niela
Sa iyo Niela,
Ang word na “lusit” na napanaginipan mo ay tao na maglalaro.
Dahil limitado lang ang kuwento ng panaginip mo, hindi natin gaanong matutukoy kung ano ang mensahe nito. Pero, susubukan nating pag-aralan ang iba’t ibang anggulo sa buhay mo na maaaring maranasan mo.
Muli, ang “lusit” ay para sa maglalaro, kaya kung ikaw ang magiging “lusit”, malaki ang posibilidad na manghihimasok ka sa buhay ng iba, kumbaga, ikaw ay may posibilidad na maging third party o kabit.
May posibilidad din na hindi ikaw ang “lusit”, pero may darating na third party sa love life o relasyong kasalukuyan mong nararanasan. Kumbaga, may naglalaro sa partner mo.
Puwedeng-puwede rin na ikaw mismo ang maging “lusit”. Ang babaeng mapaglaro na minsan sa kasaysayan ng pagmamahalan ay tinawag na “play girl”, ito ang mga babae na nakikipaglaro lang sa mga lalaki, kaya sila ay maraming manliligaw at karelasyon.
Pag-aralan mo ang kasalukuyang mga pangyayari sa paligid mo nang sa gayun ay matukoy mo kung sino ang “lusit” sa iyong buhay.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments