Magsu-surrogate mother sa China | 2 PINAY, NAHARANG SA NAIA

PINIGIL ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Pinay na ini-recruit para sa “womb for business” sa China para maging surrogate mothers sa naturang bansa.
Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, hinarang ang dalawa matapos makapag-check-in para sa Cebu Pacific flight patungong Hong Kong sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Umamin sina ‘Ria’, 32, at ‘Ellie’, 28, na nakipagkasundo sila para maging surrogate mothers dahil sa kahirapan.
Nabatid na dating overseas Filipino workers (OFW) ang dalawa at umaming nangangailangan ng pera bilang pangsuporta sa kani-kanilang pamilya.
Ayon pa kay Grifton, agad umamin ang dalawa na babayaran sila ng P300,000 kapalit ng serbisyo.
Dagdag pa ni Grifton, sa Hong Kong umano aayusin ang kanilang visa para makapasok sa China.





Comments