top of page
Pokwang.jpg

Kauna-unahang larawan ng ‘black hole’, isinapubliko

Jersey Sanchez
Apr 13, 2019
1 min read

INILABASna ng National Science Foundation ang kauna-unahang larawan ng ‘black hole’.

Sa pahayag ni Sheperd Doeleman, director ng Event Horizon Telescope Collaboration (EHT), ang global network of telescopes sa iba’t ibang dako ng mundo ang nakakuha ng larawan sa black hole o tinatawag na Messier 87 o M87.

Mahigit 200 researchers ang nakibahagi sa nasabing project kung saan mahigit isang dekada umano nila itong sinaliksik.

Ang nasabing black hole ay 6.5 billion beses na mas malaki sa araw at three million beses na mas malaki sa daigdig.

Makikita sa larawan ang maliwanag na “ring of fire” na nakapalibot sa itim na butas.

Ang maliwanag na bilog ay mula sa superheated gas na nahuhulog sa butas.

Ang black hole ay isang bahagi ng kalawakan kung saan maging ang ilaw ay puwedeng makawala dahil sa labis na puwersa ng gravitational effect.

Sinasabi rin na ang black hole ay lugar na “point of no return”, kapag pumasok umano rito ang anumang mga bagay tulad ng stars, planets, gas, dust at maging ang mga “electromagnetic radiation” ay mistulang nilalamon ng supermassive at monster na blackhole.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page