HOROSCOPE | ABRIL 13, 2019 (Sabado)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 13, 2019 (Sabado): Huwag mong ipahiram ang mga suwerte mo. Madalas, nagagamit ng iba ang iyong mga suwerte na hindi dapat mangyari sa buhay mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mo ang anumang klase ng pakikipagdebate. Hindi ngayon ang panahon para pagdebatehan ang iyong mga pinaniniwalaan. Mas magandang kumilos ka para sa pagpapaunlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-24-39-40-46.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa mga kakilala mong inggitera at inggitero. Hindi sila nagpapahalata na naiinggit sa iyo kung saan inaalam nila ang lihim mo. Sisiraan nila ang iyong pagkatao kapag hindi ka nila kasama. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-14-29-30-31.
GEMINI (May 21- June 20) - Kambal na suwerte ang makukuha mo, pero nakakubli ito sa hindi magandang pangyayari. Kaya ang payo para sa iyo, tanggapin mo nang maluwag sa loob mo ang anumang magaganap sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-18-20-23-39-43.
CANCER (June 21- July 22) - Babala ng kapalaran ang kailangan mong malaman. Sa araw na ito, ang hindi pagkakaunawaan ay ilalagay sa iyong harapan, kaya dapat ay kumalma ka lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-21-28-34-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lumayo ka sa anumang kaguluhan nang sa gayun ay hindi ka madamay. Wala ng mas gaganda pa sa tahimik na buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-29-33-37-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lawakan mo ang iyong pang-unawa. Hindi lahat ay tulad mong matalas ang isip. Ang totoo nga, marami ang mahina ang isip at ang iba ay hindi na nag-iisip. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-15-17-24-27-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Paano mo lalayuan ang iyong kinaiinisan? Ang totoo, siya ay kailangan mong pagtiisan. Mahirap paniwalaan, pero siya ngayon ang iyong pampasuwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-23-38-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magparaya ka! Hindi kahinaan ang hindi pagpatol sa taong may pangit na ugali. Siya ang mapipintasan at hindi ikaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-22-28-34-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gawin mong mag-isa ang gusto mong tapusin. Kapag nagpatulong ka sa iba, sa maniwala ka o hindi, maiinis ka lang at lalong babagal ang pagkilos mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-22-28-35-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang kapalaran mo dahil kapag ginawa mo ang ayaw na ayaw mong gawin, biglaan at hindi mo inasahan, ang mga suwerte ay magdaragsaan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-12-15-24-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muling dumating ang takdang-araw kung kailan ang mga kahilingan mo ay pagbibigyan ng langit. Simplehan mo lang ang iyong pagsasalita. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-21-27-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang makibahagi sa mahirap na proyekto. Hindi ka isinilang para dumaan sa mahihirap na gawain. Kung makikita ka ng langit na nasa ganu’ng kalagayan, aalisin ka rin Niya rito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-17-25-29-32-36.




Comments