GIYERA SA WPC 9-COCK INT’L DERBY


IKINAKASA na ang huling preparasyon para sa pinakamabangis at kinikilalang sabong sa Pilipinas, The World Pitmasters Cup (WPC) 9-Cock International Derby, matapos ang matagumpay na Press Conference kahapon na ginanap sa Grand Bar, Resorts World Manila.
Hosted nina Charlie “Atong” Ang, Mr. Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Mr. RJ Mea, Agusan Del Sur Gov. Eddiebong Plaza at inasistehan ni Eric dela Rosa, ang edition ng WPC na gaganapin mula Abril 21-30, 2019 sa Resorts World Manila.
Bibira sa Abril 21, 22, 23 ang 2-Cock Elimination rounds, sa Abril 24 ang 6-Cock Big Event habang sa April 25, 26 at 27 itinakda ang 3-Cock Semifinals.
Nakatakda sa Abril 28 ang BMEG Integra Powermaxx Cup 6-Cock Derby, kasabay ng Pre-Final Round para sa qualifiers na nakabuo ng tig-3 at 3.5 na puntos habang sa April 30 sisiklab ang Grand Finals ng entries na may 4,4.5 at 5 points.
Kinikilala ng Games and Amusements Board ang siyam na araw na sabong na co-presented ng Resorts World Manila at inisponsoran ng Thunderbird, VNJ Distributors, atbp.
Kung may tanong ay maaaring sumilip sa World Pitmasters Cup International Derby -WPC Facebook page. (MC)





Comments