Bukod sa sex video scandal… CHOI JONG HOON, INIREKLAMO NG BABAENG PINAGDROGA NA, NI-RAPE PA

HINDI pa man tapos ang kaso ni Choi Jong Hoon ay may panibago na namang reklamo sa kanya. Isang babae ang lumantad at nagsabing pinagdroga siya at pinagsamantalahan ng singer.
Ayon sa report, base sa salaysay ng babae, nakilala niya si Choi Jong Hoon sa US noong March, 2012 at matapos niyang inumin ang cocktail drink na ibinigay sa kanya ng singer ay nawalan siya ng malay at pagkatapos ay ginawan na raw siya ng pang-aabuso.
Kasalukuyan daw nasa proseso ng paghahain ng formal complaint ang babae against Choi Jong Hoon at ayon pa sa kanyang pahayag, lumakas ang loob niya na magsalita matapos malantad ang kaso ng hidden camera footage sa chatroom.
Nang mahingan naman ng pahayag ang dating agency ni Choi Jong Hoon, sinabi nilang hindi pa nila naririnig ang kasong ito.
“We have never heard of this case. We have already terminated our contract with Choi Jong Hoon, and we do not believe the woman has filed the complaint yet,” pahayag ng FNC Entertainment.
Nagsalita rin ang lawyer ni Choi Jong Hoon tungkol sa bagong alegasyong ito.
“We filed a complaint on charges of blackmail two weeks ago to the Seoul Eastern District Prosecutor’s Office against a woman who was threatening him with false information. The case was forwarded to the Seongdong Police Station, and we believe the details will be revealed in the investigation,” pahayag ng legal counsel ng singer.
Ayon pa sa abogado, nakausap na raw nila si Choi Jong Hoon regarding this at itinanggi nito na ni-rape niya ang babae.
“We spoke with Choi Jong Hoon and he stated that though he it was true that he met the woman in question in the U.S., he has no memory of raping her,” pahayag ng lawyer.





Comments