top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Boss ninakawan ng P52-M alahas | 5 BEBOT, TIMBOG

  • Mylene Alfonso
  • Apr 13, 2019
  • 1 min read

TIKLO ang limang babae na umano ay nagsabwatan sa pagnanakaw ng P52 milyong halaga ng alahas sa kanilang employer sa Sta. Cruz, Manila.

Kabilang sa mga sinampahan ng kasong falsification of public documents at qualified theft, isang non-bailable sa Manila Prosecutor’s Office sina Fria Apostol, 39, ng Pasig City; Elinor Sibal, 37; Celia Paulino, 37, kapwa ng Quezon City; Honey Lyn Gacosta, 30, at Aprilyn Sinugbuhan, 29, kapwa ng Sta. Cruz, Manila.

Nag-ugat ang pagkakaaresto ng lima dahil sa reklamo ni Edwin Malibiran, 56, ng Caloocan City, may-ari ng Edricka’s General Merchandise.

Ayon kay Malibiran, nadiskubre niya sa quarterly inventory noong Marso 6 na nawawalan siya ng 13,000 gramo ng iba’t ibang carat ng ginto na nagkakahalagang P27 million, iba’t ibang klase ng alahas na aabot sa P16 million at mga set ng alahas na nagkakahalagang P9 million.

Sa tulong ng dalawang appraisers, nagsagawa ang biktima ng final audit at physical inventory ng kanyang mga alahas at nakumpirma ang pagkawala ng malaking volume ng ginto.

Sa ginanap na komprontasyon, hindi maipaliwanag ng mga suspek sa kanilang report ang ginawang actual inventory.

Sinabi ni Malibiran na si Fria ang nagsasagawa ng inventory at responsable sa pagsusumite ng report kay Paulino.

Lumabas sa imbentaryo na nagsabwatan ang mga suspek na kapwa pamangkin ng biktima na sina Paulino at Sibal at nagnanakaw umano mula pa noong 2016.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page