top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

BEST-OF-7 SEMIS, SIMULA NA SA BEERMEN VS. FUEL MASTERS

Clyde Mariano
Apr 13, 2019
2 min read

MATAPOS patalsikin ang mortal na karibal na Talk ‘N Text sa quarterfinals, pagtutuunan ng pansin ng defending Philippine Cup champion San Miguel Beer na dispatsahin ang elimination topnotcher Phoenix Pulse Fuelmasters sa kani­lang best-of-seven semifinals playoff simula ngayong Sabado sa Mall of Asia Arena. Haharapin ng Beermen ang Fuel Masters ng 6:30 p.m. at inaasahang magiging kapanapanabik ang salpukan ng dalawang kopo­nan na ngayon lang magkaka­harap sa semis matapos ta­lunin ang kalaban sa quarter­finals.

Lamang ang SMB sa halos lahat ng departamento ng Phoenix kung tao sa tao ang pagbabatayan at kung baga sa labanan, marami nang nahakot na kampeonato ang Beermen habang ang Fuel Masters ay hindi pa nag-champion ‘di tulad ni Austria na certified champion coach at ma­lawak ang karanasan kaysa kay Alas.

Ito ang magiging determining factor sa panalo ng SMB sa bagitong Phoenix na pag-aari ng negosyanteng taga-Davao na si Dennis Uy na ngayon lang pumasok sa semis at dito malalaman at mahuhusgahan ang coaching ability ni Alas.

Sa kabila nang pinapa­boran ng cage pundits at matchmakers, ayaw pa ring magkumpiyansa ni Austria at lagi niyang pinaaalalahanan na pag-igihan ng team at laging magpokus sa laro. “Many weird things happen in basketball and I do not want that to happen to us. I kept reminding my players to play their best out there and utilize all the resources from their arsenal to ensure victory,” sabi ni Austria.

Puntirya ni Austria ang pang-5 titulo sa kanyang career. Sa frontline nariyan sina skipper Alex Cabagnot, Terrence Romeo, Marcio Lassiter, Arwind Santos. Chris Ross, June Mar Fajardo at Filipino-German Christian Standhardinger na magiging dominant force sa low post at mahirap pigilin ang twin towers dahil sa kanilang size at height.

Si Fajardo ang dahilan sa pagpatalsik ng TNT sa quarterfinals sa paggawa ng double-double game high 32 points at 14 rebounds at inaasahang pangungnunahan muli ng higanteng 5-time MVP ang scoring job at depensa ng SMB.

Ito ang magpapasakit sa ulo ni Alas dahil wala siyang players na puwedeng itapat kina Fajardo at Stand­hardinger maliban sa kanyang small centers na sina Doug Kramer at Justin Chua at tiyak lalapain ng twin towers ang da­lawa sa shaded area.

Si Filipino-Canadian at 3-point specialist Matthew Wright ang inaasahang mangunguna sa scoring offensive ng Phoenix kasama si dating Alas­ka Aces Cal­vin Abueva, Jason Perkins, JC Intal, LA Revilla at dating NLEX player Alex Mallari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page