12 Abu Sayyaf, utas sa militar
- Jeff Tumbado
- Apr 13, 2019
- 1 min read

TINATAYANG 12 miyembro ng Abu Sayyaf ang napaslang ng militar sa panibagong sagupaan sa Patikul, Sulu, Huwebes ng hapon.
Kabilang umano sa mga napaslang ang sub-leader na si Julie Ikit, pinsan at ‘second in command’ ni Radullan Sahiron.
Sa report ng Joint Task Force Sulu, nakasagupa ng mga sundalo mula sa 32nd Infantry Battalion ang nasa 120 terorista na tumagal ng 45 minuto.
Umatras ang mga kalaban makaraan ang matinding bakbakan kung saan iniwan ang bangkay ng kanilang leader at walong iba pa sa encounter site.
Bukod sa mga nasawing ASG member, 19 iba pang terorista ang umano’y nasugatan na dinala ng kanilang kasamahan.
Nitong nakalipas na linggo, apat na terorista at tatlong sundalo ang nasawi sa engkuwentro sa naturang lugar.





Comments