top of page

Sa mga beshy natin diyan na huminto sa paninigarilyo, pero vape ang ipinalit… DISADVANTAGES NG PAGBE

  • Ronalyn
  • Apr 12, 2019
  • 2 min read

ISA ka ba sa mga smoker na gusto nang magbagong buhay at iwanan na ang bisyong paninigarilyo? Ayon sa pag-aaral, pito sa sampung smokers ang nagsasabing gusto na nilang itigil ang pagyoyosi kung saan tamang desis­yon ang paghinto sa bisyong ito dahil ang ilan sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ay may kinalaman sa panini­garilyo. Ngunit, sadyang mahirap labanan ang bisyo, kaya maraming smokers ang natuksong gumamit ng tinatawag na “vape” o electronic cigarette dahil sa paniniwalang ito ang magandang alter­na­tibo sa sigarilyo. Pero, alam ba ninyo na ang epekto ng vaping sa kata­wan ay maihahalintulad din sa epekto ng sigarilyo at minsan ay mas malala pa ang nagagawa nito?

Hala!

Narito ang mga katotohanan sa likod ng vaping ayon sa mga eksperto:

1. MAS MARA­MING TAGLAY NA NICOTINE ANG VAPE O E-CIGARETTE KUM­PARA SA SIGA­RILYO. Ang paggamit ng vape o electronic cigarette ay pinaniniwalaang safe kaysa sa tobacco cigarettes dahil ang normal na siga­rilyo ay nagtataglay ng 7,000 nakalalasong kemi­kal, ngunit, ayon sa mga eksperto, kapag gumamit ng vape ang tao, para na rin siyang nakaubos ng isang pakete ng sigarilyo sa isang araw dahil sa nala­lang­hap niyang likido o juice na naka-attach sa vaping device. Mas kaunti man ang toxic chemicals na taglay ng vape, mas marami naman ang nicotine na taglay nito. Ito ay mayroon ding iba’t ibang nakala­lasong kemikal.

2. ANG VAPING AY NAKAA-ADDICT. Kung nahihirapang itigil ng mga smoker ang paniniga­ril­yo, mahihirapan ding itigil ng vapers ang paggamit nito dahil sa nicotine na maihahalintulad din sa cocaine at heroin. Ayon kay Dr. Kjorjevic, ang nicotine ay nakaaapekto sa psychological at pisikal na aspeto ng tao. Ang mga psychological symptom ay labis na pananabik sa nicotine, mood swings, pagi­ging iritable at pagka­balisa. Samantala, ang physical symptoms naman ay pananakit ng ulo, pagiging pawisin, hirap sa pagtulog, pananakit ng tiyan, pagiging maganang kumain at constipation.

3. ANG VAPING AY NAGDUDULOT NG HINDI MAGAN­DANG EPEKTO SA PUSO. Ayon sa mga siyentipiko, hindi man nagtataglay ng tabako ang e-cigarette, sagana naman ito sa nicotine na nakapagdudulot ng masamang epekto sa puso. Dahil sa nicotine na nalalanghap sa e-cigarette, nagiging mabilis ang tibok ng puso ng indibidwal na maaaring magdulot ng high blood pressure sa kanya. Ayon sa mga pag-aaral na ginawa ng American Society of Cell Biology, ang taglay na nicotine ng e-cigarette ay lubhang mapa­minsala sa cells ng puso na maaaring magdulot ng heart attack at heart diseases.

4. LUBHANG NA­KA­LALASON SA KATAWAN ANG KE­MIKAL NG VAPE. Napag-alaman din sa ginawang pag-aaral sa San Francisco Center for Tobacco Control Research and Education na ang e-cigarette ay mayroong mga kemikal na nakasisira sa mga mata, respiratory track, spleen o lapay at central nervous system.

Mabisa nga bang alternatibo sa sigarilyo ang e-cigarette? Totoo ba na kapag gumamit ang indibidwal ng e-cigarette ay magagawa nang iwasan ang sigarilyo?

Ang sabi ni Dr. Michael Blaha, direktor ng clinical research sa Johns Hopkins Ciccarone Center for the Prevention of Heart Disease, ang paggamit ng vape o e-cigarette ay lalo lang naglalapit sa indibid­wal sa mapanuksong sigarilyo. Aniya, imbes na mapigilan ng indibidwal ang paninigarilyo, ibabalik at ibabalik lang sila rito ng vape dahil hahanap-hanapin na ng kanilang katawan ang nakaa-addict na kemikal nito.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page