Partikular ‘yung mga may gulay at sarsa, lodi! TIPS PARA HINDI KAAGAD MASIRA ANG MGA PAGKAIN NGAYON
- Donna Thea Topacio
- Apr 12, 2019
- 2 min read

Bukod sa mainit na panahon, problema rin natin ang mabilisang pagkapanis ng mga pagkain, kaya para dehins masayang ang pera at pinaghirapan natin, narito ang ilang tips para sa mga beshy natin diyan na mag-a-outing:
1. USE YOUR REFRIGERATOR. Truly, beshy! Sa pamamagitan ng refrigerator, mape-preserve natin ang mga tira-tirang pagkain tulad ng gulay, kanin at marami pang iba. Bagay na bagay ito ngayong tag-init, kaya make sure na ito kaagad ang inyong ii-invest, mga besh! Okie?
2. BE ALERT ABOUT THE TEMPERATURE. Ayon sa mga eksperto, kailangan daw umanong panatilihin ang partikular na pagkain sa temperaturang nababagay dito, halimbawa, kung ito ay mainit, dapat ay nasa mainit na lugar ito habang kung ito naman ay malamig dapat ay manatili itong nasa malamig. Gets mo?
3. AVOID USING SAME UTENSILS WHEN EATING. For sure, maraming guilty dito! ‘Yung tipong kahit may serving spoon, eh, ‘yung sariling kutsara pa rin ang ginagamit na pangkuha ng ulam, naku, big no, no ‘yan! Bukod sa hindi ito magandang makasanayan dahil dehins lang naman ikaw ang kakain mag-isa, malaki pa ang posibilidad na masira ang pagkain na niluto ninyo. Aww!
4. DON’T COVER THE FOOD AFTER COOKING. Pagkatapos magluto, huwag kaagad itong tatakpan nang sa gayun ay hindi magkaroon ng moist sa loob na isa sa mga dahilan kung bakit madaling masira ang pagkain.
5. TIME. Maging alerto sa oras, lalo na sa mga mag-a-outing na nagluto muna sa bahay, tapos, hindi na namalayan na kailangan na palang kainin ang niluto dahil umaga pa ito nu’ng ginawa. Ha-ha-ha! Tips namin sa inyo, adobo ang perfect na ulam para sa mga ganitong trip.
Oh, ayan, huwag tayong sushunga-shunga para hindi maging bato ang pagkain natin.
Wala na kayang mura ngayon at lalong hindi madali ang magluto. He-he-he!
Gets mo?





Comments